ate

(posted on blogger 5/05/07)

“ate, may bakante ka ba?”

“sino ka nga ba?”

“ate naman, dalawang buwan akong nagtrabaho sa ‘yo, di mo na ako matandaan”

“eh sa dinami-dami ng dumaan sa akin, malay ko bang makilala kita”

“ate, dalawang buwan ako dito sa yo, tapos inilipat mo ako sa kapatid mo”

“aba’y marami akong inilipat sa kapatid ko”

“ate pinag-alaga mo pa ako ng mga anak mo”

“lahat naman ng natitira sa akin ay napag-aalaga ko ng anak ko”

“ate manikurista mo ako dati”

“aba’y marami akong naging manikurista”

“tinuruan mo pa akong maggupit ate, para kamo all-around ako”

“dapat namang matuto ka rin noon, kahit sinong namasukan sa akin”

“ate hindi rin ako nag-stay-in”

“eh ba’t ka nag-alaga ng anak ko?”

“umuwi ho kayo ng Ilocos dahil namatay ang tiyuhin nyo”

“ay sus, ikaw ba yon? ba’t di mo sinabi agad? ba’t napadaan ka?”

“ate may bakante ka ba?”

“naku naman, marami na akong trabahante dito, ililipat na lang kita sa kapatid ko”

“ate galing na ko don!”

(nangyari talaga ang usapang ito ilang taon na ang nakakalipas, nung minsang magpagupit ako sa matagal na naming kapitbahay na may-ari ng parlor. naisulat ko yung insidenteng yun kasi bukod sa na-amuse ako sa usapan nila, nakakabagabag din na maraming nangangailangan ng trabaho, at nakasalalay kadalasan yung swerte ng paghahanap ng trabaho sa mga kakilala mo na. ngayon, ganun pa din ang sitwasyon. maraming nangangailangan ng trabaho, maraming naghahanap. yung kapitbahay namin, may parlor pa din sya. pero yung lumapit sa kanya noon…sana nakahanap din sya ng ibang mapapasukan.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s