hindi pwede

(posted on blogger 3/22/08)

hindi pwedeng lagi kitang iniisip

hindi pwedeng laging ako na lang ang natitigilan

hindi pwedeng parating ikaw ang laman ng utak ko

samantalang dapat ay iba ang ginagawa ko

hindi pwedeng umaandar pa din ang buhay mo
samantalang hindi ko malaman kung papaano ko papatakbuhin
ang buhay ko

hindi pwedeng iniintindi ko kung nasaan ka

hindi pwedeng iniisip ko kung kumain ka na,

kung mag-isa ka ba,

kung umalis ka nga ba,

kung iniisip mo sya…

hindi pwedeng umaasa pa din ako
gayong habang lumalakad ang panahon
at unti-unti kong nararamdaman ang paglayo mo

hindi pwedeng sa bawat minuto, bawat segundo ng bawat araw

ang mukha mo, ang ngiti mo,

ang makulit mong pang-uusisa

ang siyang hinihintay ko, ang siyang hinahanap ko

hindi pwedeng ako lang ang nagkakaganito

hindi pwede na malaman mo

kahit pa gustuhin ko na iparating na sa iyo …

hindi pwedeng malaman mo …
na sa pagpikit ng mata ko sa bawat gabi
sinasambit ko ang pangalan mo
at sinasabi kong… oo, totoo na itong nararamdaman ko

hindi pwedeng malaman mo…

dahil alam kong masasaktan ako ng lubusan

pag nalaman ko

… na ako lang nga ang nagkakaganito….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s