pwede ko bang sabihin yun?

(posted on blogger 4/20/08)

pwede ko bang sabihin na ayokong umalis ka?

pwede kayang sabihin ko na lang na wag ka na pumunta dun?

at kapag tinanong mo ako kung bakit …

pwede ko bang sabihin na ‘wala lang, basta ayoko!’?

pwede kaya na iiwas ko na lang ang sagot at sabihing ‘iba ang kutob ko’?

at ano namang kutob yan, tatanungin mo…

pwede ko bang sabihin na ang kutob ko ay kadalasang tama?

pwede kayang sabihin ko na magtiwala ka na lang sa akin,

at wag ka na lang umalis?

at kapag tiningnan mo ako na wari’y takang-taka ka…

pwede kayang sabihin ko na lang na ayokong lumayo ka?

pwede ko bang sabihin na hindi ko kayang magkahiwalay tayo?

at kung mapagtanto mo na iyon pala ang gusto kong sabihin…

pwede kayang ikaw naman ang may sabihin sa akin?

pwede kaya na marinig ko din sa iyo na …

‘…sige, hindi na lang ako aalis …’

‘…sige, hindi ko din kaya na magkahiwalay tayo …’

‘…sige, nagtitiwala ako sa yo …’

‘…sige, papakinggan kita …’

at kapag tinanong kita kung bakit pumayag ka sa sinabi ko …

pwede ko kayang marinig din na sabihin mo …

‘…kasi, parehas lang tayo ng nararamdaman…’

‘…kasi, alam ko naman na ayaw mo akong lumayo..’

‘…kasi, tulad mo, may hindi lang din ako maamin sa yo…’

pwede ko kayang sabihin na sa iyo

ang isang bagay na hindi ko pa kayang aminin?

at kung masabi ko man sa iyo…

ganun din kaya ang maririnig ko mula sa iyo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s